Marami nang mga turista ang nahuhumaling sa gandang taglay ng
mga lugar dito sa Pilipinas isa nga sa mga dahilan ay ang kaakit-akit na mga tanawin
na binabalik-balikan ng mga turista. Malapit na ang tag-araw siguradong maghahanap tayo ng mga lugar na mababakasyunan.
Ating alamin ang mga lugar na ito.
- Chocolate Hills,Bohol
Ang Chocolate Hills o Tsokolateng Burol na matatagpuan sa Bohol
na may mahigit kumulang 1,260 na burol na nakapwesto sa 50 square kilometer na
lugar. Napapalibutan ang mga burol ng mga berdeng damo na nagiging kulay tsokolate
pag tag-init dito na rin kinuha ang panglan
ng mga burol.
Ang "Chocolate Hills Complex" sa Carmen,Bohol at "Sagbayan
Peak" sa Sagbayan Town ang mga lugar na may opisyal na permiso galing sa
gobyerno na bisitahin at makita ang lugar.
Turismo
Bumabalik na ang turismo sa bohol at unti-unting bumabangon
ang bayan mula sa pinsala na dulot nang 7.2 magnitude na lindol noong 2013.
“You will never regret coming here, peace and really nature
at its best and sana tulungan nyo kami na makabangon after the earthquake,”
paanyaya ni Lilia Dahan, ang Owner ng Bohol Paradise Hills Resort. Umaaasa ang
mga boholano na mag tuloy tuloy na ang ang pagdayo ulit na mga turista.Samantala
pinapatuloy pa rin ang rehibilitasyon sa mga lugar na napinsala.
- Boracay,Aklan
Ang Boracay ay isang maliit na isla sa Aklan isa ito sa mga pinakasikat na lugar na dinarayo ng mga
turista dahil sa mapuputing buhangin at
kaaya-ayang mga atraksyon. Matatagpuan ang isla ng Boracay sa may hilagang kanluran
ng Panay,Island. Ang kabuuang lawak nito 10.32 square kilometer na may kahabaang
7 kilometer.
Dumadami ang mga turista ng Isla lalo na sa Panahon ng amihan
dulot ito ng hangin na dinadala
pasilangan papuntang isla kung saan nagiging mapinong babasagin ang mapuputing buhangin.
Turista
Ayon kay Aklan Gov. Joeben T. Miraflores, umabot sa P40
bilyon ang tourism receipts bunga nga lumolobong bilang ng tourist arrivals sa
lalawigan.
Noong 2014 aabot na sa 700,000 ang mga turistang bumibisita
sa isla ng boracay. Nangunguna sa listahan ng mga turista ay ang mga korean na mahigit
200,00 sumunod ang china na may rami 100,00 at pumangatlo ang mga taiwanese na
may 40,000 na turista.
- Puerto Princesa Subterranean River,Palawan
Ang Puerto Princesa Subterranean River na mas kilala bilang
Puerto Princesa Underground River na matatagpuan sa sentro ng Puerto Princesa,Palawan.
Marami ang makikita sa kweba katulad na lang ng porma o hulma ng mga bato sa loob ng kweba,
malalaking paniki na nakatira at pinoprotektahan sa kweba, malalalim na ilog at
mga marine creatures.
Noong 2010 nakita ng mga environmentalist at geologists na
may pangalawang bahagi ang Underground River na may lawak na 300m (980 ft.)
Sa loob ng kweba ay may mga pormasyon ng bato ito ang
stalagmite at stalagtite na gustong gusto makita na mga turista.
Tanawin
Tunay nga na maganda ang mga tanawin na taglay ng Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan. Sa katunayan napabilang ito sa New 7 Wonders of the world kasama ang mga bansang Malaysia,Lebanon,Qatar,South Africa at Cuba. Bernard Weber, Founder-President
of New7Wonders, said: “In electing the Puerto Princesa Underground River as one
of the New7Wonders of Nature on 11.11.11, the people of the Philippines
displayed their love of their natural resources, and by commemorating the
election in perpetuity on 11 November each year, the government has now taken a
significant step to place global democracy and environmental awareness at the
centre of its national and regional policies.”
References:
References:
http://www.gmanetwork.com/news/story/315169/news/ulatfilipino/mga-turistang-taiwanese-bumabalik-na-sa-boracay
http://boracaystories.com/forum/showthread.php?613-2014-Boracay-Tourist-Arrivals
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Chocolate_Hills
https://www.untvweb.com/news/turismo-sa-bohol-patuloy-na-sumisigla-isang-taon-matapos-ang-magnitude-7-2-na-lindol/
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Puerto_Princesa_Subterranean_River_National_Park
http://www.news.com.au/travel/travel-ideas/best-of-travel/new-seven-wonders-of-the-world-revealed/news-story/b1e3a10758d7d8b4c34cfbb0f01f6e39
http://world.new7wonders.com/2014/07/16/philippines-president-proclaims-puerto-princesa-underground-river-day/
http://betrulywealthy.com/wp-content/uploads/2015/06/incredibleviewinside.jpg
http://www.villabelza.com/chocolate-hills-bohol/#.VuaLRvmLTIU
http://i1.wp.com/attracttour.com/wp-content/uploads/2012/12/boracay-beach1.jpg
Ganda naman.
ReplyDelete