Monday, March 14, 2016

3 Attractive tourist spots in the Philippines


Marami nang mga turista ang nahuhumaling sa gandang taglay ng mga lugar dito sa Pilipinas isa nga sa mga dahilan ay ang kaakit-akit na mga tanawin na binabalik-balikan ng mga turista. Malapit na ang tag-araw siguradong maghahanap tayo ng mga lugar na mababakasyunan.
Ating alamin ang mga lugar na ito.

  • Chocolate Hills,Bohol


Ang Chocolate Hills o Tsokolateng Burol na matatagpuan sa Bohol na may mahigit kumulang 1,260 na burol na nakapwesto sa 50 square kilometer na lugar. Napapalibutan ang mga burol ng mga berdeng damo na nagiging kulay tsokolate pag tag-init  dito na rin kinuha ang panglan ng mga burol.
Ang "Chocolate Hills Complex" sa Carmen,Bohol at "Sagbayan Peak" sa Sagbayan Town ang mga lugar na may opisyal na permiso galing sa gobyerno na bisitahin at makita ang lugar.

Turismo

Bumabalik na ang turismo sa bohol at unti-unting bumabangon ang bayan mula sa pinsala na dulot nang 7.2 magnitude na lindol noong 2013.
“You will never regret coming here, peace and really nature at its best and sana tulungan nyo kami na makabangon after the earthquake,” paanyaya ni Lilia Dahan, ang Owner ng Bohol Paradise Hills Resort. Umaaasa ang mga boholano na mag tuloy tuloy na ang ang pagdayo ulit na mga turista.Samantala pinapatuloy pa rin ang rehibilitasyon sa mga lugar na napinsala.

  •  Boracay,Aklan






Ang Boracay ay isang maliit na isla sa Aklan isa ito sa  mga pinakasikat na lugar na dinarayo ng mga turista dahil sa  mapuputing buhangin at kaaya-ayang mga atraksyon. Matatagpuan ang isla ng Boracay sa may hilagang kanluran ng Panay,Island. Ang kabuuang lawak nito 10.32 square kilometer na may kahabaang 7 kilometer.
Dumadami ang mga turista ng Isla lalo na sa Panahon ng amihan  dulot ito ng hangin na dinadala pasilangan papuntang isla kung saan nagiging mapinong babasagin ang mapuputing buhangin.


Turista

Ayon kay Aklan Gov. Joeben T. Miraflores, umabot sa P40 bilyon ang tourism receipts bunga nga lumolobong bilang ng tourist arrivals sa lalawigan.
Noong 2014 aabot na sa 700,000 ang mga turistang bumibisita sa isla ng boracay. Nangunguna sa listahan ng mga turista ay ang mga korean na mahigit 200,00 sumunod ang china na may rami 100,00 at pumangatlo ang mga taiwanese na may 40,000 na turista.

  • Puerto Princesa Subterranean River,Palawan



Ang Puerto Princesa Subterranean River na mas kilala bilang Puerto Princesa Underground River na matatagpuan sa sentro ng Puerto Princesa,Palawan. Marami ang makikita sa kweba katulad na lang ng  porma o hulma ng mga bato sa loob ng kweba, malalaking paniki na nakatira at pinoprotektahan sa kweba, malalalim na ilog at mga marine creatures.
Noong 2010 nakita ng mga environmentalist at geologists na may pangalawang bahagi ang Underground River na may lawak na 300m (980 ft.)
Sa loob ng kweba ay may mga pormasyon ng bato ito ang stalagmite at stalagtite na gustong gusto makita na mga turista.

Tanawin

Tunay nga na maganda ang  mga tanawin na taglay ng Underground River ng Puerto Princesa sa Palawan. Sa katunayan napabilang ito sa New 7 Wonders of the world kasama ang mga bansang Malaysia,Lebanon,Qatar,South Africa at Cuba. Bernard Weber, Founder-President of New7Wonders, said: “In electing the Puerto Princesa Underground River as one of the New7Wonders of Nature on 11.11.11, the people of the Philippines displayed their love of their natural resources, and by commemorating the election in perpetuity on 11 November each year, the government has now taken a significant step to place global democracy and environmental awareness at the centre of its national and regional policies.” 

References:


https://en.m.wikipedia.org/wiki/Boracay